Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
ANG mag-asawa dapat magkasama sa hirap at ginhawa, sa karamdaman at kalusugan, hanggang sa kamatayan. Pero sa kaso ni former Presidential Spokesperson at ng kanyang asawang Mylah, hanggang kulungan ang pwede nilang pagsamahan dahil sa kabiguan tudpin ang atas ng Kamara.
Babala ni Antipolo City Mayor Romeo Acop na tumatayong vice chairman ng Committee on Dangerous Drugs, hindi malayong maglabas na rin ang quad comm ng mandamiento de arresto laban sa asawa ni Roque kung patuloy na iinabin ang ipinalabas na show-cause order ng Kongreso.
“Pwede naman siya pumunta at magsabi na I refuse to answer dahil ma self-incriminate siya… Kung di siya pupunta, isa yan sa pinakamabigat sa rules namin na pwede siyang ma-cite in contempt, for not respecting our invitation,” sambit ni Acop.
“Kung hindi mo i-honor ‘yung subpoena, we will request that an arrest order be issued against her,” dugtong niya.
“If the quad committee schedules a hearing and she does not show up despite the invitation, we will issue an order to cite her in contempt,” aniya pa.
Matatandaan na unang inimbitahan ng Quad-Comm si Mrs. Roque para magbigay-linaw sa nilagdaang lease agreement kasama ang Chinese nationals na iniuugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) complex sa Bamban, Tarlac.
Nang hindi siputin ang Kamara sa unang paanyaya, muli siyang ipinatawag sa House probe noong Setyembre 19 pero walang Mrs. Roque na nagpakita sa bulwagan ng Kongreso. Gayunpaman, nagpadala ng isang liham si Mrs. Roque na nagsabing siya’y nasa Singapore para magpagamot – palusot na pinagdudahan ni Acop kasabay ng hirit na merical certification.
