NI LILY REYES
TULUYAN nang lumobo ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi bunsod ng bangis na ipinamalas ng bagyong Kristine, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mabagal na kumikilos ang bagyo ang direksyon patungo sa kanluran, habang papalapit naman ang panibagong sama ng panahon na tatawagin Leon.
Pagtitiyak ng OCD, patuloy ang isinasagawang rescue operations sa mga lugar kung saan nananatiling mataas ang baha, gayundin sa mga lugar na pasok sa kategorya ng “danger zone.”
Batay sa datos ng OCD, pinakamarami ang nasawi sa Bicol region kung saan 28 katao ang namatay, kasunod ang Calabarzon na may 15 casualties habang isa naman ang naitala sa mga Ilocos Region, Centra Luzon at Zamboanga Peninsula.
Samantala, nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga naulila ng mga sinawim-palad sa lupit ng bagyong Kristine.
“I would like to express my sympathy for our fellow Filipinos who have become victims of Tropical Storm Kristine. We are grateful for the resilience, leadership and proactive measures undertaken by our local government units which has saved many, many lives.”
Naglabas na rin ng direktiba ang Palasyo para sa full mobilization ng military assets sa malawakang relief operations sa mga lugar na lubhang apektado ng delubyo.
“I have ordered the full mobilization of available AFP (Armed Forces of the Philippines) personnel and resources which can be committed to relief operations,” pahayag ni Marcos.
“Other uniformed agencies such as the PNP (Philippine National Police), BFP (Bureau of Fire Protection) and the Philippine Coast Guard are likewise placed under that status,” dugtong ng Pangulo.
