HINILING ng AGRI Partylist sa mga miyembro ng Senado at House of Representatives na tiyakin sapat na pondong para sa sektor ng agrikultura sa pagtalakay ng ng Bicameral Conference Committee para sa final version ng 2025 General Appropriations Bill.
Ayon kay AGRI Partylist Representative at Senatorial Aspirant Manoy Wilbert “Wise” Lee, kailangan paglaanan ng wasto at hustong badyet ang agrikultura para makamit ang food security at pagbibigay suporta sa kabuhayan ng milyong mga magsasaka, mangingisda at local food producers.
“Cutting the budget for agriculture at this critical time would jeopardize our efforts to achieve food security and improve the well-being of our rural communities. Deserve ng ating local food producers na tumatayong food security soldiers ng dagdag suporta lalo pa’t sila ang pinagmumulan ng pagkain ng ating bansa,” wika ng Bicolano legislator.
Ayon sa AGRI Partylist solon, anumang kakulangan ng pondo sa naturang sektor ay magdudulot ng pangmatagalang problema, lalo na ngayon nahaharap sa malaking hamon ang bansa sa patuloy na pagtaas ng global food prices at climate change.
“Investing in agriculture is not just about supporting our farmers, fisherfolk and local food producers, it’s about safeguarding our nation’s food supply against external shocks. A reduced budget would be a step backward in addressing these challenges,” dugtong ng kongresista.
Pag-amin ni Lee, hindi pa rin sapat ang panukalang alokasyon sa sektor ng agrikultura para sa susunod na taon, kasabay ng panawagan tugunan ang pangangailangan ng local food producers at resolbahin ang iba pang mahahalagang isyu gaya ng mababang produksyon, mga lumang imprastraktura at kakulangan sa post-harvest facilities.
“The agriculture budget remains a small fraction of the total National Budget and is less than half of the ₱500 billion that the DA was originally requesting for 2025,” aniya pa.
“Kung seryoso tayo na magkaroon ng murang pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino, dapat maging prayoridad ang dagdag na suporta sa mga magsasaka, mangingisda, at buong sektor ng agrikultura. Sa pamamagitan nito, hindi lang mapapataas ang kanilang kita, mapapaunlad din ang produksyon, dadami ang supply, at bababa ang presyo ng pagkain at iba pang bilihin sa merkado,” dugtong ng mambabatas.
“This is not just about passing the budget law. It’s about making a commitment to the millions of Filipinos who rely on agriculture for their livelihood. Sa suporta sa agrikultura, panalo ang masa!” (Romeo Allan Butuyan II)
