HINDI pinalampas ni former President Rodrigo Duterte ang pasaring ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga pambato ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP) sa posisyon ng senador.
Sa proclamation rally ng PDP senatorial candidates sa Club Filipino sa San Juan City, hayagang inakusahan ni Duterte ang kasalukuyang pangulo ng patuloy na paggamit ng droga.
Partikular na tinukoy ni Duterte ang drogang heroin na umano’y paboritong singhutin ni Marcos.
“Mayroong isang presidente na talagang bangag… buang, pero yung bisyo ng droga long term yan. Maging ulol si Marcos,” pambungad na bira ni Duterte.
“Maybe constant use of heroin — aabot pa siguro siya ng 80, pero pagdating sa panahon na yan, hindi na siya gumagalaw,” dugtong ng dating pangulo.
“Either nakatindig lang ‘yan sa kuwarto niya or natutulog.”
