PINASALAMATAN ni Senador Grace Poe ang Land Transportation Office (LTO) sa agarang tugon laban sa driver na naglagay ng aso sa trunk ng minamanehong kotse.
Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagmamalupit sa anumang hayop tulad ng aso at pusa na inaalagaan sa loob ng bahay.
Sa viral video sa social media, makikita ang isang asong nasa loob ng trunk ng kotse na hingal na hingal habang nakalawit ang dila — senyales ng matinding pagkauhaw bunsod ng matinding init.
“We commend the Land Transportation Office for taking an active stance in working with animal welfare groups to investigate this recent animal cruelty case.”
Ayon kay Poe na pangunahing may-akda ng ilang batas na nagsusulong sa proteksyon ng mga alagang hayop, nakakadismaya ang sunod-sunod na pang-aabuso at kalupitan sa hayop na kailangan nang masugpo ng gobyerno.
The spate of abuse and cruelty against animals is lamentable, and a whole of government approach is needed to put an end to this,” aniya.
“We hope concerned agencies and local government units, especially our frontliners in the barangays, will remain vigilant in addressing violations of the Animal Welfare Act,” giit ng senadora.
Tiniyak naman ni Poe na hindi siya titigil sa pagsusulong ng mga panukalang batas na magbibigay ng mas mabigat na parusa laban sa pang-aabuso at pagmamalupit sa alagang hayop.
“We assure our people that we will be unrelenting in pushing for the passage of a stronger law to deter animal neglect and abuse,” ani Poe.
Kamakailan, pinadalhan ng show cause order ng LTO ang hindi tinukoy na driver na nagmamaneho ng kotse kung saan nakalulan ang aso.
Pinabulaanan ng kapatid ng driver na pinagmalupitan ang aso na kanilang ni-rescue dahil hindi maalagaan at kasalukuyang maayos ang kondisyon pagkatapos ng mahabang biyahe sa Antipolo. (ESTONG REYES)
