MATAPOS magpatupad ng 10 sentimo tapyas sa presyo kada litro ng krudo, agad na bumuwelta ang mga kumpanya ng langis sa bisa ng bigtime oil price hike.
Sa magkakahiwalay na kalatas ng Flying V, Petron Corp., Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp., tumataginting na P1.40 kada litro ang ipapataw na dagdag presyo sa krudo.
Nasa 70 sentimos naman anila ang inaasahang umento sa presyo kada litro ng gasolina habang 80 sentimos naman kada litro ang inaasahang ipapataw na price hike sa kerosene.
Sinisi naman ng Department of Energy (DOH) ang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
