SA halip na perang kinita sa pagtutulak, malamig na rehas ang kapit ng tatlong umano’y high-value target sa isang buy-bust operation sa bayan ng Tanay sa lalawigan ng Rizal.
Batay sa paunang impormasyong nakalap mula sa Rizal Provincial Police Office, dakong alas 8:55 nang masakote ang mga suspek na kinilala sa pangalang Bachica, Gimo at alyas Dagul sa kahabaan ng Manila East Road sa Barangay Tandang Kutyo ng nasabing lokalidad.
Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang mga plastic sachet na umano’y naglalaman ng hindi bababa sa 350 gramo ng shabu (katumbas ng P2.38 milyon), cellphone at motorsiklo.
Nabawi rin ng mga operatiba ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon. (EDWIN MORENO)
