TIGIL operasyon ang mga minahan sa buong lalawigan ng Cebu sa bisa ng direktiba ni Cebu Governor Pamela Baricuatro.
Sa ilalim ng direktiba ni Baricuatro, 30 araw na sinuspinde ang mga quarry operation sa buong lalawigan sa gangaring bigyan-daan ang pagsusuri sa kontrata ng mga kumpanya sa likod ng mining operations.
Partikular na inatasan ng gobernador ang Special Review Committee ng kapitolyo na pangunahanang pagrerebisa sa permit, clerance at ECC ng mga kumpanya sa likod ng mining at quarry operations sa Cebu.
Inaasahan naman magsusumite ng rekomendasyon ang komite bago matapos ang buwan ng Agosto.
