ANIM sa bawat 10 Pilipino ang tiwala sa Kamara de Representantes, ayon sa resulta ng survey na pinangasiwaan ng Octa Research.
Sa datos ng Tugon ng Masa Survey na isinapubliko ng Octa, tumaas na walong puntos ang antas ng “trust and satisfaction rating” ng mga Pilipinong nakapanayam.
Sa isang pahayag, lubos naman ang pasalamat ni House Speaker Martin Romualdez sa naitalang mataas public trust at satisfaction rating na nasungkit ng mababang kapulungan.
Para kay Romualdez, ang mataas na antas ng tiwala ng mga mamamayan sa Kamara ay hindi lamang tungkol sa mga numero, bagkus ay pagtingin ng bawat pamilyang Pilipino sa isang legislative institution na lumalaban para sa kapakanan ng mga mamamayan at tumutugon sa pangangailangan ng pamayanan.
Batay sa Tugon ng Masa survey, saan 57% ng mga Pilipino ay nagtitiwala sa Kamara — bahagyang mas mataas kumpara sa nakaraang survey. Nasa 55% naman ang nagsabing kontento sa performance ng mababang kapulungan.
“This trust is not about numbers—it is about people. It is about the Filipino family who looks to Congress to fight for them, to listen, and to deliver. These results tell us that what we are doing—every debate, every bill, every late night in session—is making a difference,” wika ni Romualdez.
Aniya, ang pagtaas sa nasabing rating ng Kamara ay resulta ng nagkakaisang pagsusumikap ng bawat kongresista na isulong ang mga pro-people policy, transparent budget reforms, at iba pang hakbang para matiyak ang mayroong pagkain sa lamesa ang bawat pamilya, trabaho sa mga komunidad at magandang oportunidad para sa lahat.
“We are humbled by this trust, but we also know it is borrowed. We have to earn it every single day. That means staying true to our duty to be the voice of the people and to ensure that the laws we pass translate to real change in their lives,” dagdag pa ni Romualdez.
Binanggit din ng Leyte lawmaker ang pagkakaroon ng maigting na ugnayan ng Kamara sa administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr..
“When the Executive and Legislative branches move as one, we can move the country forward faster. We are proud to help push the President’s vision of a Bagong Pilipinas—a country of hope, progress, and shared prosperity.”
“Ang tiwala ng taumbayan ay parang kandila na kailangang alagaan. We will continue to light the way—through honest leadership, sincere service, and a united Congress working for every Filipino,” pahabol ng lider-kongresista.(ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
