“GUSTO ko pong linawin sa kanila na wala po akong directang transaction. Hindi po ako nagkaroon ng anumang klaseng transaction sa kanila.”
Ito ang tinuran ng kontratista sa likod ng St. Gerrard Construction Corporation (SGC), kasabay ng pagbawi sa testimonyang inihayag kahapon sa Senado.
Paglilinaw ni Curlee Discaya na tumatayong presidente at chief executive officer ng nabanggit na kumpanya, wala silang direktang transaksyon kay House Speaker Martin Romualdez, Ako Bicol partylist Congressman Zaldy Co at iba pang kongresistang pinangalanan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
“Kaya nabanggit po ang mga pangalan na yon dahil yun po ang madalas na sinasabi ng mga kausap ko po na politiko,” saad pa ni Discaya sa pagharap sa pagdinig ng House Infra-Comm.
“Binabanggit nila na kailangan ibigay mo na kaagad yung obligasyon kasi pinakukuha na ni Zaldy Co at saka ni Speaker. Ganun po lagi ang madalas sinasabi or yung ibang salita para malinis pakinggan… pinapakuha na ng taas yung ganito,’” dagdag niya.
Nauna nang itinanggi niya Romualdez at Co, na dating chairman ng House Appropriations Committee, ang pagkaladkad sa kanila ng kontratista sa nasabing anomalya.
“I cannot and will not allow lies and name-dropping to pass unchecked. The claim in the Discaya couple’s affidavit that my name was used for commissions is false, malicious, and nothing more than name-dropping. Let me be clear: Wala akong kinalaman, wala akong pahintulot, at wala akong basbas sa mga ganyang gawain,” bulalas ni Romualdez.
“And I say this with all honesty: I have never, and I will never, accept a bribe from anybody. Walang sinuman ang kayang manuhol sa akin. Alam iyan ng lahat ng House Members. I am self-made, and I have been blessed with the trust of the Filipino people. I do not need—and will never allow myself—to be corrupted by money that does not belong to me,” sambit pa ng lider ng Kamara.
Ani Romualdez, “kung may nang-abuso o gumamit ng pangalan ko para kumita, sila ang dapat managot—kahit sino pa sila, sa loob o labas ng gobyerno. But let us not allow lies and name-dropping to destroy reputations or weaken faith in Congress.”
Sa panig ni Co, sinabi niyang bukod sa pagiging “hearsay” o sabi-sabi lamang na walang kaakibat na matibay na ebidensya, naniwala siyang may bahid pulitika ang paninira sa kanya at bahagi din ito ng layuning guluhin ang isipan ng publiko sa isyu.
Paglilinaw ng Ako Bicol partylist solon, ang 2025 General Appropriations Act (GAA) ay dumaan sa legislative process at sumailalim na rin sa judicial review.
“The 2025 GAA was certified and approved by both Houses of Congress and signed by the President. As mentioned during the Senate hearing, the President even vetoed some provisions and withheld the release of funds for projects,” dagdag ni Co. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
