WALA nang pwedeng humarang na sibat —Tuloy na na tuloy na ang kauna-unahang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Marso ng susunod na taon.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng halalan sa katimugan sa Marso 30, 2026, alinsunod sa Resolution No. 11181.
Nauna nang ipinagpaliban ng ilang beses ang halalan dahil sa isyu ng preparasyon at paglilipat ng mga distrito matapos ang maglabas ng pasya ang Korte Suprema na nag-aalis sa Sulu bilang bahagi ng BARMM.
Idineklara rin ng SC na unconstitutional ang Bangsamoro Autonomy Act No. 58 at 77 noong Setyembre kaya hindi natuloy ang halalan noong Oktubre 13.
Ayon sa poll body, itinakda ang filing ng certificate of candidacy mula Enero 5 – 9 habang ganap na magsisimula ang election period mula January 29 hanggang April 14, 2026.
Samantala, mula Pebrero 12 hanggang Marso 28 naman iiral ang campaign period para sa kalahok sa BARMM elections. (JULIET Q. PACOT)
