NAGPAHAYAG ng mainit na pagtanggap si Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen sa mga dumalong mahistrado mula sa South at Southeast Asia sa kanilang courtesy call noong Nobyembre 21, 2025 punong bulwagan ng Korte Suprema sa lungsod ng Maynila.
Kabilang sa mga delegado ang mga Chief Justice at Justices mula India, Indonesia, Bangladesh, Maldives, Mongolia, Brunei Darussalam, Lao PDR, Pakistan at Thailand.
Ibinahagi ni Justice Leonen ang mga pangunahing reporma sa hudikatura sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022–2027, kabilang ang digitalization ng court filings, pag-develop ng Court Management App, mas pinaigting na cybersecurity at paggamit ng AI tulad ng Scriptix para sa transcription.
Tinalakay rin niya ang bagong Code of Judicial Conduct and Accountability at Code of Conduct para sa court personnel, pati ang pagpapatatag ng Office of the Judiciary Marshals para sa seguridad ng mga hukom.
Ang courtesy call ay bahagi ng high-level meeting ng UNODC para sa judicial integrity upang palakasin ang ugnayan at kooperasyon ng mga hudikatura sa rehiyon. (JULIET Q. PACOT)
