SA hangarin tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa paligid ng bulkan, ipinag-utos na pamahalaang panlalawigan ang preemptive evacuation matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 3 sa ang Bulkang Mayon.
Sa isang kalatas, inatasan ni Albay Governor Noel Rosal ang mga disaster risk reduction and management office (DRRMO) na agad ilikas ang mga residente sa paligid ng bulkan.
Batay sa abiso pamahalaang panlalawigan, saklaw ng preemptive evacuation ang mga residente sa loob ng anim na kilometrong permanent danger zone (PDZ).
Sinuspinde na rin ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan na nasa loob ng PDZ. Gayunpaman, nilinaw ng Department of Education (DepEd), gagamit ng alternative mode ang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Bantay-sarado na rin sa lokal na pulisya ang pagpasok sa loob ng PDZ, mountain climbing, orchid picking, at vegetable harvesting.
Panawagan din ang gobernador sa publiko, gumamit ng face mask o basang tela para takpan ang ilong at bibig bilang proteksyon sa ask fall. (LILY REYES)
