WALANG puwang sa Philippine National Police (PNP) ang mga pasaway, ayon kay Brig. Gen. Randulf Tuaño na tumatayong tagapagsalita ng pambansang pulisya.
Bilang patunay, ibinahagi ni Tuaño ang umanoy pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 110 53 (Anti-Hazing Act of 2018) laban sa 12 pulis na sangkot sa pagpapahirap at pananakit sa mga kabaro.
Partikular na tinukoy ni Tuaño ang naganap na hazing sa Lamitan City, sa lalawigan ng Basilan
Kabilang sa mga kinasuhan ang isang Police Colonel, isang Police Major, limang Police Corporal at limang Patrolman.
Samantala, nasa kabuuang 77 naman ang inalis na sa pwesto. Sa naturang bilang, 22 ang isinailalim sa restrictive custody kabilang ang mga sinampahan ng demanda. (EDWIN MORENO)
