MAY bagong kongresista na ang second congressional district ng Antipolo, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa kalatas ng Comelec, ganap nang ipinroklama si Philip “Doc Bong” Acop bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng lungsod sa Kamara matapos masungkit ang pinakamaraming boto sa ginanap na special election.
Batay sa datos ng District Canvassing Board, nakakuha si Acop ng 60,051 boto. Pumangalawa naman si Reden Llaga na may 12,054 boto.
Disyembre ng nakalipas na taon nang pumanaw ang kanyang amang kongresista — si Romeo Acop, bunsod ng karamdaman.
