NAKATAKDANG ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pangakong ayuda ni Pangulong Ferdinand marcos Jr. sa mga tsuper na nakabase sa probinsya.
Gayunpaman, nilinaw ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na magsisimula ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa sektor na apektado ng pagtaas sa presyo ng langis, pagkatapos pa ng Semana Santa
“Ang goal natin, by next week, dapat tapos na tayo (sa Metro Manila). And then after that, pagkatapos ng Holy Week, sisimulan na natin sa mga province naman, sa mga area sa labas ng Metro Manila,” wika
ni Gatchalian.
“Same process, tricycle drivers and then the other sectors… motorcycle taxi, delivery services, TNVS (Transportation Network Vehicle Services), pati mga jeep,” dagdag pa niya.
Nasa P30 bilyong pondong bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang inilaan ng ahensya bilang ayuda sa mga transport workers ba apektado sa umiiral na krisis na sanhi ng digmaan sa Middle East.
Kumbinsido rin ang Kalihim na hindi agad mauubos ang naturang pondo sakaling magtagal ang hidwaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
“Marami pa kaming social welfare programs na pwede nating gamitin para matulungan ang ating mga maliliit na mamamayan na naiipit sa pagtaas ng presyo ng petrolyo,” pahabol ni Gatchalian.
