ISANG magnitude 5.4 na lindol ang tumama sa karagatan ng Bogo City sa Cebu nitong Lunes ng hapon.
Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), namataan ang ang epicenter ng tectonic na lindol 17 kilometro timog-silangan ng Bogo.
Nangyari ang pagyanig dakong 3:22 ng hapon sa lalim na 10 kilometro.
Panawagan ng Phivolcs sa mga residente sa naturang lalawigan, ibayong ingat sa posibilidad ng mga aftershocks.
Sa inisyal na impormasyon ng lokal na pamahalaan, may ilang establisyemento – kabilang ang bangko at convenience store, ang napinsala matapos bumigay ang kisame bunsod ng lindol.
Naramdaman din ang lindol sa Cebu city.
Sa University of the Philippines Cebu, lumabas ang mga estudyante sa mga gusali ng paaralan pagkatapos ng lindol.
Noong 2025, natuklasan ng mga eksperto ang isang bagong fault line sa Bogo na tinatawag na Bogo Bay Fault kasunod ng 6.9 magnitude na lindol.
