BAHAGYANG napinsala ang Ospital ng Muntinlupa sa Barangay Alabang, matapos sumiklab ang sunog, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa impormasyong ibinahagi ng BFP, naganap ang insidente dakong alas 3:40 kahapon Muntinlupa City. Agad naman inilikas ang mga pasyente sa naturang pagamutan.
Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bodegang imbakan ng mga panlinis sa roofdeck ng gusali ng pagamutan. Agad naman umano naapula ang sunog matapos ang 10 minuto.
Samantala, kinumpirma naman ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na ligtas ang lahat ng pasyente.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa hangarin tukuyin ang sanhi ng sunog.
