IBINIDA ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagtaas ng cruise tourism sa bansa kasabay ng pagdami ng turn-around cruise calls ngayong unang bahagi ng 2026.
Mula Enero hanggang Pebrero, nakapagtala ang PPA ng 26 cruise calls at mahigit 76,000 pasahero, habang umakyat sa anim ang turn-around calls sa Eva Macapagal Cruise Terminal sa Maynila mula sa dalawa noong nakaraang taon.
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, patuloy ang pagpapahusay ng mga pantalan para suportahan ang lumalaking bilang ng mga cruise passengers.
Patuloy rin aniya ang pagtaas ng cruise arrivals na umabot sa mahigit 226,000 noong 2025, lampas sa pre-pandemic level, kasabay ng modernisasyon at pagpapalawak ng mga port sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
