BINALAAN ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga kapural sa likod ng pagnanakaw ng mga gamit na pag-aari ng pamahalaan.
Partikular na tinukoy ni Moreno ang mga nawawalang bakal, metal railings, at iba pang materyales mula sa mga pampublikong imprastraktura sa lungsod.
Sa isang pahayag, sisikapin aniya ng lokal na pamahalaan — katuwang ang Manila Police District (MPD) — na kilalanin, tuntunin, dakpin ang sampahan ng kaso ang sinumang mangangahas magnakaw sa nasasakupang lungsod.
Para sa alkalde, ang mga pasilidad at materyales na nilalagay sa mga pampublikong lugar ay ay pag-aari ng pamahalaan at pinondohan para sa kapakinabangan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Bukod sa mga magnanakaw, target din tugisin ang mga sumisira sa iba pang government properties.
Una nang nakatanggap ng impormasyon ang tanggapan ng alkalde hinggil sa pamamayagpag ng mga kawatan ng mga bakal sa ilan mga infrastructure projects ng pamahalaan sa lungsod ng Maynila.
