KALABOSO ang kinahinatnan ng 15 indibidwal kabilang ang dalawang banyaga, matapos pasukin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang cryptocurrency investment scam hub sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa bisa ng search warrant na inilabas ng hushado, pinasok ng mga NBI agents ang isang condominium unit matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa scamming operation ng sindikatong pinamumunuan ng isang alyas Boss Choi.
Ang modus — paggamit ng spoofed website para makapang-akit ng mga nais mamuhunan sa cryptocurrency.
Kabilang sa mga inaresto ang 12 Pinoy, isang Chinese national, isang Malaysian at si alyas Boss Choi.
Narekober sa operasyon ang ilang computer devices kung saan nakaimbak ang mga digital data na ginagamit sa computer-related forgery.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga suspek.
