HINDI pa man nakaka-isang linggo sa bagong trabaho, suspensyon agad ang sumalubong kay Sergeant-at-Arms (OSAA) Head Mao Aplasca.
Sa direktiba ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, anim na buwang bakasyon sa anyo ng “preventive suspension” ang ipinataw ng tanodbayan bunsod ng umano’y nangyaring putukan sa loob ng gusali ng senado.
Higit pa sa naganap na gulo, target din ng imbestigasyon si Aplasca matapos makatakas si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na target ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court kaugnay ng partisipasyon sa madugong giyera kontra droga noong nakalipas na administrasyon.
Wala pang pahayag si Aplasca sa ipinataw na suspensyon ng Ombudsman.
