HINDI ikinalugod ng isang pamantasan ang umano’y ipinamalas na “katampalasan” ni Senador Loren Legarda — sukdulang bawiin ang pagkilalang iginawad sa naturang mambabatas.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng Assumption College San Lazaro ang parangal na iginawad kay Legarda bilang isa sa mga katangi-tanging “Empowered Women” ng naturang paaralan.
Katunayan anila, tinanggal na ang larawan ng senadora sa pasilyo kung saan matatagpuan ang Wall of Empowered Women of Assumption College San Lorenzo.
Gayunpaman, nilinaw ng Assumption Student Council (ASC) na kinikilala pa rin ang ambag ni Legarda sa nakalipas na panahon. Gayunpaman, malaki na umano ang pagkakaiba ng Loren Legarda noon, kumpara sa nakikita ngayon.
Partikular na tinukoy ng Assumption Student Council ang pustura ni Legarda nang nakipag sabwatan anila sa bagong senate majority na hangad lamang umano isabotahe ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
“No public office grants immunity from the standards of ethical conduct. Any act that enables impunity and obstruction of justice, however subtle or procedural, diminishes public trust, and compromises the dignity of institutions that serve the Filipino people,” pahayag ng student council.
