HINDI angkop imulat sa kultura ng ayuda ang hanay ng mga maralitang Pinoy, ayon kay Senador Rodante Marcoleta, kasabay ng mungkahing tanggalin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang government assistance program.
Sa isang panayam na lumabas na Bilyonaryo News Channel, kabilang sa din sa mga ayuda program na nais ipabuwag ni Marcoleta ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Persons (MAIFIP).
“Gusto kong alisin lahat yung mga ayu-ayuda, napakarami niyan. Meron kang AICS, meron kang TUPAD, meron kang MAIP, naging MAIPIF na ngayon, meron kang 4Ps, ang dami nun,” sambit ng senador.
“If you total all the ayuda in one year, aabot yan sa P250 billion… sa dami ng mga social and economic interventions na yan, wala namang study na talagang nagpapatunay na yung targeted population ang nakikinabang.
Higit na kilala si Marcoleta sa plataporma ng libreng kuryente noong nangangampanya pa lang para sa 2025 senatorial race.
