MANANATILI sa pwesto bilang Senate President si Senador Alan Peter Cayetano, ayon kay Senador Panfilo Lacson.
Pag-amin ni Lacson, kulang pa ang bilang ng mga mambabatas na boboto sa manok ng Senate minority na nagsusulong iluklok si Senador Sherwin Gatchalian bilang bagong lider ng senado.
Aniya, walang nadagdag sa 11 miyembro ng minority bloc na nagtutulak para maging Senate president si Gatchalian.
“As of this very moment, wala, wala naman kaming positibo na alam na mangyayari as far as the 11 minority bloc is concerned… walang development as of now,” wika ni Lacson sa isang panayam sa radyo.
Gayunpaman, inamin ng senador na patuloy ang panliligaw ng senate minority sa mga miyembro ng mayorya.
Katunayan aniya, ang bawat miyembro ng Solid Bloc 11 o SB 11 ay tinokahan ng mga dapat kausapin sa kabilang bakod.
“Meron kaming kanya-kanyang task allocation kasi yan ang aming napag-usapan,” saad ni Lacson. “Kung may toka-toka, hindi na para sa akin na i-disclose kung ano ‘yung toka, sino ‘yung toka at sino yung tinokahan.”
