PARA sa isang dating kongresista, napapanahon nang ibalik sa gobyerno ang kontrol sa local oil industry.
Sa isang kalatas, hayagang kinastigo ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang umano’y garapalang pagkaganid ng mga oil companies.
Ayon kay Colmenares, hindi sapat ang isinusulong na amyenda sa Oil Deregulation Law, kasabay ng patutsada sa aniya’y kawalan ng silbi ng Department of Energy (DOE).
Ginawa ni ng militanteng lider ang panawagan bunsod ng aniya’y napipintong sunod-sunod na oil price hike na target ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa mga susunod na linggo.
“People are expecting the oil companies to heed the DOE price range… many of us were surprised by the “creeping price increases” as early as Friday last week,” ani Colmenares.
“‘Pag bababa si Caltex, Shell… ng presyo ng langis nila, makupad pa sa pagong. Pag tataas sila ng presyo, mabilis pa sa alas-kwatro. Ngayon, hindi na nila hinintay ang alas-kwatro, nagtaas na sila,” ayon pa sa dating mambabatas.
Karaniwang nagpapatupad ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo tuwing Martes, subalit matapos umano maglabas ng anunsyo ang DOE noong Biyernes, agad na nagpataw ng dagdag-presyo sa mga binebentang petrolyo ang mga oil companies.
“Natutulog ata ang DOE sa pansitan habang ang tao ay nagdurusa na dahil sa unregulated price increases.This is the height of kagarapalan na. It’s about time that we repeal the privatization regime under the Oil Deregulation Law and nationalize these oil companies,” ani Colmenares.
“At least, pag government owned ang mga oil companies, maari silang mapilit na sundin ang utos ng tao o DOE. Kongreso at Senado magtrabaho naman kayo at napaka walang kwenta at grabe ang pahirap ng oil deregulation law na pinasa niyo,” wika ni Colmenares.
Hirit ng dating partylist congressman, ipatupad ang DOE 2019-05-0008 para malaman ng publiko kung magkano ang kinikita ng mga oil companies sa kada litro ng produktong petrolyo.
“Many suspect that oil companies are profiting by more than 1 peso per liter which is unacceptable and must be prohibited. Ganid yan. These oil companies sold 27 billion liters of fuel in 2025. Piso lang ang ipatong nila tubo kada litro, 27 billion pesos na ang kita nila sa isang taon. Sobrang tubo na yon.”
“Pag lampas sa piso ang tubo nila, lalong kasakiman na yan. We demand that DOE implement their unbundling circular which you promised Bayan Muna last month and publish to the public the profits earned by these fuel companies. Otherwise, Bayan Muna will be forced to file a case for Mandamus in courts against these oil companies and DOE,” banta pa ng dating kongresista.
