MATAPOS makatanggap ng subpoena, walang takot na sinipot ng tinaguriang ‘Maleta Boys” ang Office of the Ombudsman bilang bahagi ng ikinasang fact-finding investigation kaugnay ng umano’y paghahatid ng flood control kotong sa hanay ng mga senador at kongresista.
Bukod sa 18 ex-marines, kasama rin sumipot si Atty. Levito Baligod na tumatayong abogado ng mga dating sundalo.
Sa isang panayam, tiniyak ni Baligod ang pakikipagtulungan ng mga ex-marines na dating nagtrabaho bilang security personnel ni former Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co.
“Yun ang gagawin. That is the correct process. Yung hinihingi ni Ombudsman noon na dapat mag-prepare kami ng individual affidavits, iyon talaga ang process in front of the investigators,” wika ni Baligod.
Kabilang sa mga idinawit ng mga dating sundalo sina Co, dating House Speaker Martin Romualdez, Senador Erwin Tulfo at iba pa.
