ISANG buwan matapos kanselahin ng Philippine National Police (PNP) ang lisensya, tuluyan nang isinunuko ng kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga baril na nakapangalan sa puganteng mambabatas.
Gayunpaman, hindi lubos na ikinalugod ng PNP ang hakbang ng kampo ni Dela Rosa.
Ayon sa PNP, 20 lang sa 118 baril na nakarehistro sa pangalan ni Dela Rosa ang nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya sa Barangay Maa sa lungsod ng Davao noong Hunyo 11.
Target ng manhunt operation si Dela Rosa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
Si Dela Rosa ang nagsilbing PNP chief sa unang bahagi ng termino ni former President Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong the The Hague para sa kasong crimes against humanity.
