HINDI biro ang sitwasyon ng mga ex-Marines na hayagang tumukoy sa pagkakakilanlan ng mga government officials na sangkot sa tinaguriang flood control scandal.
Sa isang panayam na umere sa Bilyonaryo News Channel, ibinunyag din Atty. Levito Baligod na tumatayong abogado ng mga dating sundalo, ang dinaranas na panggigipit na naglalayong ibapawi sa mga ex-Marines ang mga binitawang alegasyon laban sa mga prominenteng tao sa gobyerno.
Katunayan aniya, nairekord ng mga dating sundalo ang pakikipag-usap ng hindi pinangalanang “intermediary” na aniya’y nangungulit na lagdaan ang “recantation.”
“Halos every day, ‘yan ang attempt. And there are recordings of the conversations convincing them… kilala na nila dati ‘yan. Mga tao ng media operators, etc.”
“May narinig nga ako, ‘Sabihin niyo kung magkano ang kailangan niyo. Ang gusto lang namin, umuwi na kayo, wag na kayong magpakita’.”
