DALAWANG linggo matapos tamaan ng magnitude 7.8 na lindol ang katimugang bahagi ng bansa, patuloy pa rin ang pagyanig ng lupa sa Mindanao, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sa datos ng Phivolcs, pumalo na sa 9,389 aftershocks ang naitala ng ahensya sa Mindanao mula Hunyo 8. Ayon sa Phivolcs, naglalaro sa pagitan ng magnitude 1.2 hanggang magnitude 6.4 ang mga naitalang aftershocks – kabilang ang 2,434 “plotted tremors” habang 97 naman ang ramdam sa ibabaw ng lupa. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Dam pantapat ni Marcos kontra pagbaha sa Cebu Broadcaster inambush ng riding-in-tandem sa Capiz