SA hangaring tuldukan ang suliranin ng pagbaha sa Cebu, inanunyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang napipintong pagtatayo ng isang bagong dam sa lungsod ng Talisay sa naturang lalawigan.
“Mayroon na tayong plano para maglagay ng dam sa taas. Dito sa Mananga river, it’s a 70-70 meter dam,” wika ni Marcos sa pagbisita sa Cebu para personal na inspeksyunin ang rehabilitasyon ng Mananga River Flood Control project.
Anang Pangulo, hindi na dapat pang maulit ang matinding pagbaha sa naturang probinsya noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
Pangako ni Marcos sa mga Cebuano, patuloy ang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga flood control structures sa iba’t ibang bahagi ng nasabing lalawigan.
Katunayan aniya, pasok na sa binabalangkas na 2027 national budget ang dam at flood control projects para sa Cebu.
