NAKATAKDANG talupan ng Department of Justice (DOJ)ang nasa 20 indibidwal na pinaniniwalaang sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Cebu City matapos sampahan ng kaso ng National Prosecution Service (DOJ).
Sa isang press briefing, partikular na tinukoy ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez ang mga pribadong indibidwal at mga opisyales mula sa DPWH-Cebu 3rd district engineering office.
Kabilang sa mga reklamong inihain laban sa mga hindi pinangalanang indibidwal ang illegal use of public funds, technical malversation, malversation of public funds, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, perjury, paggamit ng falsified documents, at paglabag sa Republic Act 9184 na mas kilala sa tawag na Government Reform and Procurement Act. reform and procurement act.
Gayunpaman, nilinaw ni Martinez na preliminary investigation pa lamang isasagawa ng ahensya at wala pang conclusive findings hanggat hindi pa ganap na nasusuri ang mga ebidensya.
