PARA kay former Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang pagbawi sa testimonya ng apat na ex-Marines isang malinaw na indikasyon na hindi lahat kayang pasunurin ng pera.
Partikular na tinukoy ni Barbers na tumatayong adviser at spokesperson ng House prosecution ang pangingibabaw ng konsensya at prinsipyo ng mga tunay na sundalo.
Lumalabas din aniya na binayaran ang mga nagpakilalang ex-Marines para siraan ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno, kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., former House Speaker Martin Romualdez at maging ang mga miyembro ng House prosecution panel.
“Their recantations clearly show that someone prepared a script and used them to spread false allegations against senior government officials and members of the House prosecution panel,” wika ni Barbers.
“Ang pagbawi ay nagpapakita na may nagdikta at nag-udyok sa kanila na magsinungaling, at ito ay isang sadyang pag-atake para siraan ang impeachment process. Malamang konsensya at napakong pangako ang dahilan ng pagbawi nila.”
Dahil dito sa pagbawi ng apat sa kanilang paglagda sa joint affidavit na Kumbinsido rin ang dating mambabatas na mas lumakas ang kredibilidad ng mga House prosecutors.
“The recantations establish several key points: the allegations were false, the participants were promised substantial financial rewards, they were pressured into signing prepared affidavits and other documents, and many—if not all—of those involved are now considering withdrawing their statements,” pagtatapos ni Barbers na idinawit din sa flood control scandal.
