SA gitna ng napipintong pagsasampa ng kaso kaugnay ng nabistong ‘tanim-pokpok modus,’ tahimik na lumipad palabas ng bansa si Batangas Rep. Leandro Leviste.
Sa impormasyong ibinahagi ni National Bureau of Investigation (NBI) director Melvin Matibag, nagtungo si Leviste sa bansang France, kasama ang inang si Senador Loren Legarda.
“Positive po `yan, umalis po. Actually, pareho po sila ni Sen. Legarda na umalis,” ani Matibag.
Base sa nakalap ng flight record ni Matibag, magkahiwalay ang eroplanong sinakyan ng mag-inang mambabatas.
“Magkahiwalay po. Si Leandro, umalis ng August 2. Papuntang Hong Hong, `yan po ang kanyang biyahe. Si Senator po, August 2 din magkaiba na flight via Hong Kong pero ang final destination is France. So `yan po ang details na nandyan,” dugtong ni Matibag.
Ayon kay Matibag, lumabas ng bansa si Leviste matapos lumabas ang subpoena kaugnay ng umano’y bigong plano painan ng bayarang babae si Executive Secretary Ralph Recto.
Base travel authority na inaprubahan ng Kamara, 12 bansa ang nakasaad na planong puntahan ng batang kongresista — Hong Kong, Singapore, Indonesia, Timor Leste, Spain, France, Italy, Greece, Turkey, Switzerland, Germany at United States of America.
Inaasahan naman ang pagbabalik ni Leviste sa bansa sa Setyembre 24 ng kasalukuyang taon.
Samantala, nilinaw ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. na nag-medical leave si Senador Legarda mula Agosto 5 hanggang Agosto 8.
“Last Aug. 3, the COS of the Office of Senator Legarda sent a letter informing the Office of the Secretary that Senator Loren Legarda will be on medical leave from Aug. 3 to 5, 2026.”
