MULING nadagdagan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa bansa, ayon sa pinakahuling datos na ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA)
Sa ulat ng PSA para sa buwan ng Hunyo, nadagdagan ng 639,000 ang mga taong walang trabaho. Sa kabuuan, pumalo na sa 2.59 milyon mula sa 1.95 milyon na naitala sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Pagtataya ng ahensya, ang naturang bilang ng walang hanapbuhay ay kumakatawan ng 4.9 percent unemployment rate — malayo sa 3.7 percent noong Hunyo ng nakalipas na taon.
Umabot naman sa 6.11 milyon ang tinatawag na underemployed o mga naghahanap pa ng dagdag na oras, sideline, o mas maayos na trabaho.
Tumaas din sa 12.1 percent ang underemployment rate mula sa 11.4 percent na naitala sa parehong buwan ng 2025.
Ayon sa PSA, nasa 53.25 milyon ang labor force sa Pilipinas.
