ISA pang miyembro ng minorya sa mataas na kapulungan ang target talupan ng Office of the Ombudsman hinggil sa umano’y P150-million budget insertion noong 2023.
Partikular na tinukoy ng isang Atty. Jesus Falcis ang budget insertion para sa kontratang iginawad sa Great Pacific Builders and General Contractor Inc. na pag-aari ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Kapwa knakakulong sina Curlee at Sara bunsod ng bilyon-bilyong halaga ng ghost projects sa iba’t ibang panig ng bansa..
Sa ilalim ng nasabing kontrata, gagamitin ang P150-million budget insertion para sa pagpapatayo ng Philippine Film Heritage Building sa Intramuros, Maynila.
Matapos ang tatlong taon, naiwan nakatiwawang ang gusali.
Kabilang sa umano’y tatayong testigo laban kay Padilla ang premyadong direktor at screenwriter Joey Reyes na unang nagbunyag sa budget insertion ng senador.
