HINDI umubra ang mga palusot ng kontrobersyal na si former Ateneo coach Thomas Anthony “Tab” Baldwin sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa desisyon ng kagawaran, pinatawan ng tumataginting na P4.9-milyong multa ang dayung basketball coach ng Ateneo Men’s Basketball Team bunsod ng pagkamatay nina Rene Baterbonia at Devine Adili.
Bukod kay Baldwin, inatasan din ang Ateneo na magmulta para naman sa paglabag ng labor code.
Base sa desisyong ipinalabas ni Secretary Francis Tolentino, napatunayan na si Baldwin ay walang Alien Employment Permit (AEP) sa loob ng 490 araw ng pagtatrabaho bilang head coach ng koponan ng nasabing pamantasan.
Batay sa kontratang ipinrisinta sa DOLE, nagsimulang magtrabaho sa Ateneo mula Pebrero 10, 2025 hanggang sa magbitiw noong Hunyo 15.
Nag-ugat ang kautusan laban kay Baldwin at Ateneo de Manila University dahil sa pagkamatay nina Baterbonia at Adili sa “off-season teambuilding and conditioning exercise sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
Samantala ipinaubaya ng DOLE sa Bureau of Immigration ang pagsasagawa ng summary deportation proceedings laban kay Baldwin.
