MULING inuga ng isang lindol ang Mindanao, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sa datos ng Phivolcs, pumalo sa magnitude 5.2 ang lindol na yumanig sa mga lalawigan ng Sarangani at Davao Occidental dakong alas 9:14 kaninang umaga, Agosto 14. Naispatan naman ang epicenter sa timog-kanlurang bahagi ng Sarangani. Gayunpaman, nilinaw ng nasabing ahensya na bahagi pa rin ng aftershock ng magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo ang pag-uga ng lupa kaninang umaga. Nangyari umano ang lindol bandang 9:14 ng umaga at natunton ang epicenter nito sa timog-kanluran ng Sarangani. Narandaman din ang pagyanig sa General Santos City, South Cotabato at Sultan Kudarat. Wala naman umanong naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing lindol. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation P5-milyong kontrata para durugin si Ortega, bistado