HABANG patuloy na ipinaglalaban ng mga minimum wage earners sa National Capital Region (NCR) ang naudlot na dagdag-sahod, abot-tenga naman ang ngiti ng mga kawani mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sa isang anunsyo, ibinahagi ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagpapatupad ng umento sa hindi bababa sa 9,300 kawani ng lokal na pamahalaan sa pagpasok ng buwan ng Setyembre.

Paglilinaw ni Moreno, hindi bago ang ipatutupad na dagdag-sahod. Katunayan aniya, ikatlong “tranche” na ang matatanggap na salary increase ng mga city hall employees.

Sa pagtataya ng alkalde, aabot sa halos P100 milyon ang karagdagang personnel expenses ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *