IMBES na mga paaralan ang bantayan, social media ang pinapatutukan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Melencio Nartatez. Sa isang direktiba, partikular na inatasan ni Nartatez ang Anti-Cybercrime Group (ACG) sa ilalim ng pambansang pulisya na bantayan ang pagkalat ng mga larawan at sensitibong video kaugnay ng pamamaril na naganap sa Ateneo de Zamboanga. Panawagan ng PNP chief sa publiko, maging responsable ang publiko sa paggamit ng social media at iwasang i-share o i-repost ang larawan at video ng malagim na insidente sa loob mismo ng isang pamantasan. Para kay Nartatez, hindi na dapat pang dagdagan ang pasakit at pagdadalamhati ng mga biktima, pamilya at publiko. Hindi rin aniya dapat pangunahan ng publiko ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya. Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang siyam na iba pang estudyante ang sugatan sa pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Karahasan sa Ateneo de Zambo kinastigo ni Villar Karahasan sa Ateneo de Zambo, isinisi sa Roblox