TARGET ng Palasyo talupan ang mga umano’y palpak na flood control projects na dahil sa likod ng pagbaha sa balwarte ng mga Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, naglabas na ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para magsagawa ng inspeksyon sa Davao City bilang tugon sa patutsada na Vice President Sara Duterte.

Una nang binanatan ni Duterte ang administrasyon sa umano’y kapalpakan tugunan ang malawakang problema sa baha at kahirapan sa bansa.

Ayon kay Castro, inatasan na ni Marcos si Public Works Secretary Vince Dizon na ayusin ang malalang pagbaha sa Davao City. 

Batay sa paunang pagsusuri ng kagawaran, partikular na natukoy ang isang proyektong hindi pa rin naaayos mula pa noong 2019.

Kabilang sa mga sinasabing dahil ng pagbaha sa Davao ang pagbabaw ng ilog sa nakalipas na 10 taon.

Samantala, nakatakda na rin imbestigahan ng Office of the Ombudsman ang mga flood control projects sa Davao City.

“Kung mayroon dapat managot dito sa mga proyektong ito, dahil inamin naman ni dating Pangulo Duterte na may ‘ghost’ projects sa panahon niya, dapat din natin malaman,” ani Castro. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *