PATULOY na pagbabaw ng Laguna de Bay ang nakikitang dahilan sa likod ng pag-apaw ng tubig-lawa sa baybaying bayan sa lalawigan ng Rizal.

Kabilang sa lubhang apektado ang mga bayan ng Taytay, Angono, Binangonan, Cardona, Morong, Baras, Tanay, Pililla at Jalajala.

Sa mga nakalipas na linggo, walang puknat ang pag-ulan sa lalawigan ng Rizal bunsod ng Habagat.

Buwan ng Nobyembre ng nakalipas na taon nang iminungkahi ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) “targeted dredging” sa Laguna de Bay bilang isa sa mga solusyon sa pagbaha sa mga baybaying bayan sa paligid ng lawa.

Gayunpaman, nilinaw ng ahensya na dapat maging maingat sa paghuhukay sa lawa. Mungkahi ng LLDA, simulan ang dreging sa Pasig River, Napindan Channel at bunganga ng mga ilog at sapa patungo sa lawa.

“While we acknowledge the benefits of dredging, it should be limited to targeted and highly strategic areas, such as the Napindan Channel and the mouths of major tributaries, to maximize the lake’s drainage capacity into the Pasig River.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *