MATAPOS bigyan ng trabaho ang tatlong talunang kaalyado, isang blogger naman ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang tanggapan sa loob ng Palasyo. Sa dokumentong ipinamahagi sa mga peryodista, isang RJ Nieto — na mas kilala sa bansag na “Thinking Pinoy,” ang hinirang bilang assistant secretary sa tanggapan ni Cabinet Secretary Benhur Abalos. Alinsunod sa appointment order na may petsang Setyembre 1, aalalayan ni Nieto si Abalos sa mga tungkuling ibinabato ng Pangulo. Higit na kilala si Nieto bilang political commentator matapos niyang itatag ang Thinking Pinoy noong 2015 na kabilang sa mga nagtaguyod sa kandidatura ng noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang pangulo ng bansa. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mga alipores ni Romualdez, isusunod na – DPWH chief Cybercrime patok sa Pinas — SWS survey