HINDI na lansangan ang pinamumugaran ng mga kriminal sa bansa, batay sa resulta ng pinakahuling survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS).

Sa datos ng SWS, bumaba ang bilang ng mga pamilyang biktima ng tradisyunal na pamamaraan ng paggawa ng krimen, habang patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng cybercrime.

Ayon sa SWS, pumalo sa record-high na 8 percent ang mga pamilyang naging biktima ng cybercrime, malayo sa 5.8 percent na naitala noong Marso ng kasalukuyang taon.

Isinagawa ang survey mula Hunyo 20 hanggang 29.

Pinakamataas ang antas ng cybercrime sa Metro Manila kung saan nakapagtala ng 13.4 percent. Pumalo naman sa 10.4 percent and incidence rate sa Visayas, habang nasa 8.8 percent sa Mindanao.

Bahagya naman bumaba ang cybercrime sa Luzon na meron lang 5.1 percent incidence rate.

Samantala, sumadsad ang mga insidente ng trespassing, pickpocket, robbery, bukas-kotse at pananakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *