PARA kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, napapanahon nang ganap na maging batas ang anti-political dynasty bill.

Kasunod ng inilabas ng ruling ng Korte Suprema, nagpahayag si Adiong ng kahandaan isabak sa bicameral conference ang bersyon ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Una nang inatasan ng Korte Suprema ang Kongreso na paspasan ang pagpapatibay ng “enabling law” na magsisilbing gabay sa implementasyon ng anti-political dynasty provision na nakapaloob sa 1987 Constitution.

Hunyo 3 nang aprubahan ng Kamara sa botong 267 pabor at 20 tutol ang Anti-Dynasty Bill na akda nina House Speaker Faustino Dy at Majority Leader Sandro Marcos.

“On the part of the House of Representatives, naipasa na po natin ’yan,” ani Adiong.

“So naghihintay na lang po tayo ng version ng Senado at handa naman po ang House of Representatives na umupo sa bicameral conference kung matatapos po ang version ng Senado sa kanilang anti-political dynasty,” dugtong ng mambabatas mula sa timog.

Samantala, nakabinbin pa rin sa ikalawang pagbasa ang bersyon ng Anti-Dynasty Bill ng senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *