MALUGOD na tinanggap ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang napipintong imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga flood control projects na nasa nasasakupang distrito. Gayunpaman, may hamon ang kongresistang kapatid ni Vice President Sara Duterte — isabay sa imbestigasyon ang mga flood control projects sa distritong kinakatawan ng asawa ni Matibag sa Kamara. Para kay Rep. Duterte, higit na angkop palawakin ang imbestigasyon sa lahat ng distrito — kabilang ang Laguna 1st district na sakop ni Rep. Ann Matibag. “We welcome Melvin Matibag’s statement on the flood control projects in Davao City’s First District. Finally, I hope may media coverage sa hearing nyo para makita ng buong bayan kung ano yang nakita mong substandard at ghost project,” ani Duterte. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos makakita umano ng red flag sa 47 sa 100 flood control projects sa Davao City. Kabilang sa mga tinukoy ang proyektong nasungkit ng Genesis 88 Construction, Inc. “Taga Dabaw kami. May malasakit kami sa lungsod namin. Kaya gusto naming makita ang ebidensya, documents, videos, at mismong projects na sinasabing may problema. Pero sana lang kung seryoso tayo sa imbestigasyon, dapat pare-pareho ang standards sa lahat ng lugar.Kasi taga-Davao kami, may malasakit kami sa lungsod namin, di gaya ng iba diyan” dugtong ng mambabatas. “Kaya ang tanong, Congresswoman Matibag, kumusta naman ang mga alegasyon at ebidensya tungkol sa mga proyekto sa inyong distrito? May videos at documents din ba? Ipasubpoena rin ba ang mga contractor na Discaya sa dalawang project na sila rin ang contractor? Kasi may hawak kami na videos sa projects sa distrito ni Ann Matibag at ng mga Discaya.” Wala pang tugon si Matibag sa hamon ni Rep. Duterte. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Nasawi sa nasunog na MV June Aster, 77 katao na