KUNG dami at tibay ng ebidensya lang ang pagbabatayan ng mga senator-judges ng impeachment court, siguradong malalaglag sa pwesto si Vice President Sara Duterte, ayon kay Manila Rep. Benny Abante.

“Naniniwala pa rin ako, kung ang bawat senator-judge ay talaga namang i-appreciate po ang ebidensyang inilahad, eh wala pong pagdududa that the Vice President will be convicted. Sa akin, ganyan ’yan, talagang walang pagdududa ’yan,” wika ni Abante.

“The Vice President will be convicted. Bakit po? Sabi nga ng isang senator-judge na hanggang sa kamatayan ipagtatanggol niya ang Saligang Batas, eh ganun pala, Saligang Batas pa rin ’yan, at wala namang ginawang violation ang prosecution team pag pinag-uusapan ang mga bagay na ito,” dagdag ng mambabatas.

Sa muling pagdaraos ng Senate impeachment trial, ipagpapatuloy ng lupon ng tagausig ang pagsalang ng mga prosecution witnesses para sa Article II na nakatuon sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Unang inilatag ng panig ng tagausig ang Article IV, ang grave threat o ginawang pagbabanta ni Duterte sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at former Speaker Martin Romualdez.

Gayundin ang Article 1, na nag-aakusa naman sa bise presidente ng maling paggamit nito ng nasa kabuuang P612.5 million confidential funds.

Giit ni Abante, ang impeachment trial ay usapin ng pananagutan sa milyong-milyong Pinoy na bumoto at nagtiwala sa sa bise presidente.

Aniya, hindi matatanggap ng taumbayan na ang isang public official, lalo na ang isang impeachable officer, ay mandadaya sa mamamayan.

“Can you imagine kung binoto ka ng mahigit-kumulang 32 million na tao, tapos dadayain mo lang ’yan? Makikita po ng taong bayan ’yan.” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *