SA pagpapatuloy ng paglilitis sa mga kasong kinakaharap ni Vice President Sara Duterte, nakatakdang isalang bilang testigo ang nakababatang kapatid ng pangalawang pangulo, gayundin ang pinaka maingay na kritiko ng pamilya Duterte.

Sa inilabas na schedule ng mga testigo ng prosekusyon, unang uupo sa witness stand si Davao City Mayor Baste Duterte. Susunod naman si dating Senador Antonio Trillanes IV.

Kapwa nasa talaan ng mga testigo ng prosekusyon ang nakababatang Duterte at ang dating senador na isasalang para magbigay testimonya sa Article 2 kaugnay ng umano’y tagong yaman at Statement of Assets,  Liabilities and Networth (SALN) ng bise-presidente.

Bagamat hindi magkasabay ang pag-upo sa witness stand ng dalawang testigo, nagpahayag ng interes si Trillanes na personal na panoorin ang pagsalang ni Mayor Baste sa witness stand.

Si Trillanes ang nagsiwalat sa umano’y mga tagong bank transactions VP Sara na aabot sa daang-milyong piso — bagay na nakumpirma sa mga records ng Anti-Money Laundering Council.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *