PARA kay Ombudsman Crispin Remulla, malinaw na may kumita sa likod ng Laguna de Bay reclamation sa kahabaan ng C6 Road sa lungsod ng Taguig. Sa isang programa sa radyo, partikular na tinukoy ni Remulla ang lokal na pamahalaan ng Taguig na umano’y nagbigay pahintulot sa mga negosyante magtayo ng mga commercial establishments sa tinabunang bahagi ng lawa. “Raket ‘yan, maniwala kayo raket yan,” giit ni Remulla. Isinailalim na ng Office of the Ombudsman sa imbestigasyon ang tinawag niyang illegal reclamation at maging ang mga sinasabing ghost projects na ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson. Mungkahi ng Ombudsman sa pamahalaan, gawing “national park” ang tinabunang bahagi ng lawang tinaguriang “largest freshwater basin” sa bansa. “Lahat itong mga illegal reclamation dapat maging national park ‘yan kasi tayo lang ang bansang walang malaruan ang mga bata eh,” dugtong ng tanod-bayan. “Puro real estate lang inatupag ng mga mayayamang negosyante, puro mga mall na lang, wala na tayong non-material happiness. Kinakailangan may pera ka para maging maligaya ka pupunta ka sa mall,” dagdag pa ng Ombudsman. “Lahat ng magagandang city sa mundo, malalaki ang park”. ………… Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Konsumo ng police patrol cars, bantay-sarado na