KUNG hindi pa umalingasaw ang amoy, hindi mabibisto ang pamamaslang ng isang 15-anyos na na anak sa sariling ina sa bayan ng Panglao sa lalawigan ng Bohol.

Sa ulat na pinadala sa punong himpilan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, nasawi ang 46-anyos na ina matapos paulit-ulit na paluin ng martilyo sa ulo ng sariling anak. Pagkatapos ng pagpatay, kinaladkad at inihulog umano ng menor de edad na anak ang ina sa isang abandonadong poso negro.

Kwento ng ilang saksi, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang mag-ina matapos mabisto ang menor de edad na anak sa pagka-cutting classes sa eskwela.

Narekober ng mga imbestigador ang martilyong ginamit sa krimen.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office ang menor de edad na suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *